“HINDI PAG SUNOD SA UTOS”

“HINDI PAG SUNOD SA UTOS”

Sa Noli Me Tangere, hindi sumunod si Ibarra at Maria Clara nang pinagsabihan sila na bawal silang magkita sa isa’t isa. Tutol ang dalawang pamilya sa kanilang relasyon nong nalaman nila ang katotohanan at sa posibling mangyari. Pag-ibig nga naman, hindi nila kayang iwasan ang isa’t isa sapagkat mahal na nila ‘to.

Maraming mga kabataan ngayon ay hindi na marunong sumunod ng mga utos. Sa paaralan man o sa bahay. Hindi sila sumusunod sa mga utos ng kanilang mga magulang sa bahay dahil narin sa teknolohiya na palagi nilang ginagamit gaya ng cellphone. Dahil dito, hindi na sila marunong makinig sa mga pabala o mga utos ng mga nakakatanda. Hindi rin sila sumusunod sa mga utos ng kanilang mga guro dahil sa mga kaibigang hindi magandang impluwensya sa kanila. Sa henerasyon ngayon, ang kagustuhan lamang ng mga kabataan ay ang magkaroon ng kalayaan kahit hindi na tama ang kanilang mga ginagawa. Sila parati ang masusunod subalit hindi ito maaari subalit mayroon tayong mga magulang o mga nakakatandang magdedesiplina sa atin patungo sa tamang landas. Ang pagsusunod ng utos ay di lamang para sa mga kabataan ngunit ito’y para sa ating lahat.

Madalas sa henerasyon o panahon natin ngayon ay binabalewala natin ang mga payo at utos ng mga nakakatanda sa atin. Hindi natin ito binibigyang halaga dahil para sa atin ay iba na ang panahon natin sa kanila at hindi nila tayo maiintindihan dahil hindi tayo nag mula sa kanilang panahon na kung saan ang utos ng mga matatanda ay mahalaga. Naiirita tayo kapag tayo ay inuutosan nila dahil tayo ay abala sa ibang bagay na hindi naman mahalaga at nakakatulong sa atin bagkus nakikipagsagutan pa tayo sa kanila at minsan ay hindi natin namamalayan na sumosobra na tayo. Ang simpleng hindi pagsunod sa kanilang mga utos ay nagdudulot na nang matinding sakit para sa mga matatanda sa atin dahil ito ay nagpapahayag ng hindi paggalang sa kanila. Ang simpleng hindi pagsunod ng utos ay humahantong sa mas malaki pang suliranin o problema sayo at sa nagutos sa iyo. May halaga ang mga utos ng mga nakakatanda sa atin dahil ginagawa nila ito upang tayo ay matuto at hindi maging mangmang dito sa mundo, para sakaling mawala man sila ay kampante sila na kaya nating tumayo sa sarili nating mga paa dahil meron tayong mga nalalaman bukod sa mga itinuturo sa paaralan. Ito ang kaalaman na magagamit natin sa araw-araw, hanggang sa pagbuo ng sariling pamilya ay sa pagtanda natin na atin rin maituturo sa mga bagong henerasyon upang gaya natin ay matuto din sila

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started